Obispo, nag-alay ng panalangin para sa mga biktima ng N. Ecija Massacre

Photo courtesy of Good Morning CBCP

Nag-abot ng pakikiramay at panalangin para sa mga biktima ng karumal-dumal na massacre sa Nueva Ecija ang isang Obispo.

Sa isang pahayag, sinabi ni Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud na lahat ng parokya, relihiyoso at ang Diocesan Council of the Laity ng Diocese of Cabanatuan ay nakikiramay sa mga kaanak at mahal sa buhay ng mga nasawi sa massacre.

Anya, dapat ay ipagkatiwala at itaas kay Kristong muling nabuhay ang kanilang mga kaluluwa.

Ipinananalangin din ng Obispo na maibigay ang katarungan para sa mga biktima ng naaayon sa proseso ng batas.

Dagdag pa ng Obispo, nawang ang insidente umanong ito ay muling bumuhay sa misyong palaganapin at itaguyod ang kapayapaan sa mundong ito.

Matatandaang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na nakilalang si Jessie Tesoro, 34 anyos na pinatay ang kanyang anim na kapamilya sa Barangay Tambo Adorable, San Leonardo, Nueva Ecija.

Nasampahan na ang suspek ng mga kasong multiple murder at frustrated murder.

Read more...