17 patay matapos malunod sa dragon boat practice sa China

AP Photo

Nauwi sa trahedya ang preparasyon para sa tradisyonal na Dragon Boat Festival sa China.

Ito ay matapos masawi ang 17 katao makaraang tumaob ang kanilang mga sinasakyang dragon boats dahilan upang ikalunod ito,

Sa ulat ng Chinese media nasa 57 katao ang nahulog mula sa dalawang dragon boats sa kahabaan ng Taohua River sa Guilin City.

Nasa 200 rescuers ang ipinadala para sagipin ang mga nalulunod na karamihan ay pawang hindi nakasuot ng mga life jackets ayon sa mga ulat.

Naganap ang insidente nang magsalubong ang magkasalungat na daloy ng tubig ng ilog dahilan upang makabuo ng isang malakas na alon.

Sinasabing isinagawa rin ang naturang practice session nang hindi ipinapaalam sa mga awtoridad.

Apatnapung katao ang nailigtas habang ang natitirang nawawalang labi ay natagpuan gabi na ng Sabado.

Read more...