La Salle, pasok na sa Finals ng UAAP Season 80 women’s volleyball finals

Muling nakapasok sa ikasampung sunod-sunod na pagkakataon ang De La Salle University sa finals ng UAAP women’s volleyball.

Ito ay matapos nitong talunin ang National University sa kanilang Final 4 showdown kahapon sa MOA Arena.

Wagi ang Lady Spikers kontra Lady Bulldogs sa iskor na 27-25, 25,22, 25-11.

Dahil dito maghaharap sa finals ang Far Eastern University at La Salle sa finals ng Season 80.

Sakaling manalo ay ito na ang ika-11 korona ng Lady Spikers sa kasaysayan ng UAAP at ikatlong ste ng ‘three-peat’ sa loob ng 14 na taon.

Ayon kay La Salle Coach Ramil de Jesus, na-develop na umano ang character at maturity ng kanyang mga manlalaro.

Nanguna para sa La Salle sina Kianna Dy na may 17 points habang may pinagsamang 20 points naman sina Tin Tiamzon at reigning MVP Mary Joy Baron.

Read more...