Pagdinig sa ‘nakaw load,’ magpapatuloy sa Senado bukas

Ipagpapatuloy ng Senado bukas ang pagdinig sa umano’y ninakaw na load.

Ayon kay Senador Bam Aquino, mayroon na silang mga tinukoy na ilang solusyon noong nakalipas na pagdinig sa mga reklamo ng prepaid subscribers ukol sa pagkawala ng load.

Aniya, inaasahang naipatupad na ng telecommunication companies (telcos) ang mga solusyong ito dahil mahigit isang buwan na mula nang tukuyin ito.

Sa pagdinig ng Senado noong March 5, pinagagawan ni Aquino ang telcos na bumuo ng sistema para mabantayan ng consumers ang kanilang load sa tuwing may mababawas dito.

Pinapa-audit din sa telcos ang kani-kanilang Value Added Service (VAS) providers na pinaniniwalaan ng subscribers na kumakain ng kanilang load.

Read more...