Pinakamatandang tao sa mundo, pumanaw na sa edad na 117

AP photo

Pumanaw na ang pinangalanan bilang pinakamatandang tao sa buong mundo na isang Japanese national.

Batay sa ulat, sinabi ng isang health at welfare official na si Susumu Yoshiyuki, namatay si Nabi Tajima habang naka-confine sa isang ospital sa Kikai, Kagoshima dakong alas 8:00, Sabado ng gabi.

Aniya, nakatira si Tajima sa isang nursing center para sa mga matatanda.

Dito na niya napansin ang unti-unting panghihina ng pangangatawan ni Tajima dahil sa katandaan.

Si Tajima ay umabot ng 117 taong gulang.

Pinangalanan ang Japanese national bilang pinakamatandang babae sa Japan noong September 2015 at naging pinakamatandang tao simula nang pumanaw si Violet Brown mula sa Jamaica noong September 2017.

Samantala, pinangalanan naman ng Guinness World Records bilang pinakamatandang lalaki ang 112-year-old na Japanese national na si Masazo Nonaka noong April 10.

Read more...