Ipinatawag ng Ministry of Foreign Affairs ng Kuwait si Philippine ambassador to Kuwait Renato Villa.
Kasabay nito, iniaabot ng ministry of foreign affairs ang dalawang diplomatic protest notes para kay Villa.
Pinagbasehan ng foreign ministry ang viral video na kinuha umano ng mga embassy official and personnel ang mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa tahanan ng kanilang mga amo na Kuwaiti gamit ang diplomatic vehicles.
Nakasaad din umano sa video na hindi raw kailangan ng embahada ng tulong ng Kuwaiti government para matulungan ang Pinoy workers doon.
Ayon kay Villa, maglalabas ng statement ang embahada sa mga susunod na araw.
Mariing pinabubulaanan ni Villa ang akusasyon na hindi kailangan ng embahada ang tulong ng Kuwaiti government para sa mga OFW.
Ayon kay Villa, nangangamba siya na masira ang magandang relasyon ng Pilipinas at Kuwait.