31 mangingisdang Pinoy mula Indonesia, sinalubong ni SAP Bong Go

Inquirer file photo

Pinangunahan ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pagsalubong sa 31 mangingisdang Pinoy na na-repatriate mula sa Indonesia.

Ginawa ang welcome program sa Camp Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan Davao City.

Personal na inabot ni Go ang cash assistance sa 31 Pinoy repatriates kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Agriculture (DA), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang sa 31 repatriates si Randy Capricho na naaresto sa Indonesia noong November 28, 2016 dahil sa ilegal na pangingisda.

Nangako naman si Go na tuloy ang pag-ayuda ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga Filipino na nangangailangan ng tulong.

Read more...