Mag-iisyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause order laban sa transport network vehicle service na Grab.
Ito ay matapos mapag-alaman ng LTFRB na dumarami ang kaso ng pagtanggi sa pasahero ng mga Grab drivers.
Sa isang panayam, umapela si LTFRB Chairman Martin Delgra hindi lamang sa mga Grab drivers kundi maging sa mga taxi drivers na huwag ipitin ang mga pasahero.
Ilalabas ang show cause order bukas, araw ng Lunes, para magpaliwanag ang Grab ukol sa naturang maling gawain ng kanilang mga driver.
Dagdag pa ni Delgra, mayroong multa ang pagtanggi ng mga pasahero kung saan aabot sa P5,000 ang first offense, P10,000 sa second offense, P15,000 sa third offense at suspesyon sa mga susunod na paglabag.