Patay ang dalawang hinihinalang myembro ng New People’s Army (NPA) habang arestado sa engkwentro ng militar sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Ayon sa militar, nakasagupa nila ang umano’y NPA sa Barangay Astora dakong alas-11:25 ng umaga ng Sabado.
Sumiklab ang bakbakan nang rumesponde ang mga sundalo matapos iulat ng isang residente ang presensya ng NPA sa Sitio Bayongon.
Isa sa mga nasawi sa engkwentro si Julito Pueblas alyas Taghoy, umano’y commanding officer ng Sentro de Grabidad ng Guerilla Front 51, Southern Mindanao Regional Committee.
Kinilala naman ang inaresto na si Jessa Lumana. Nakuha sa kanya ang isang M16 rifle, dalawang rifle grenades, tatlong improvised bombs, at bandila ng NPA.
READ NEXT
Isang buntis patay, 9 sugatan matapos mahulog ang sinasakyang van sa isang bangin sa Quezon
MOST READ
LATEST STORIES