Ayon sa weather bureau, magpapatuloy ang maalinsangang panahon sa buong bansa bunsod ng pag-iral pa rin ng Easterlies.
Mararanasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan sa buong bansa na maaaring magdulot ng isolated thunderstorms sa hapon o gabi.
Ayon sa PAGASA inaasahan ang 34 degrees Celsius na temperature sa Metro Manila ngayon kung saan maaaring umabot ang heat index sa 38 to 39 degrees Celsius.
Pinakamataas ang temperatura na naitala kahapon sa Cabanatuan City na umabot sa 37.8 degrees Celsius, na sinundan ng Clark Airport at Ambulong Batangas sa 36.2 degrees Celsius at 36.1 naman sa Cotabato City.
MOST READ
LATEST STORIES