Petsa ng pagbisita ni Pang. Duterte sa Kuwait, pinag-uusapan na

Pinag-uusapan na ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait ang posibleng petsa ng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang Gulf country.

Sa panayam ng media sa Philippine Embassy sa Kuwait, sinabi ni DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola na sinusubukang makapili ng araw sa buwan ng Hunyo pagkatapos ng Ramadan.

Wala pa anyang eksaktong petsa dahil dapat maging ‘available’ ang Emir at sakaling magkaroon na ng petsa na napagkasunduan ng dalawang bansa ay magbibigay na ng pormal na imbitasyon ang Kuwait.

Umaasa naman ang DFA na ang pagbisita ng pangulo sa Kuwait ay hindi lamang isang official visit kundi isang state visit.

Nagpasalamat naman si Arriola sa kooperasyong ibinibigay ng Kuwait sa pamahalaan ng Pilipinas.

Bibisita si Pangulong Duterte sa Kuwait upang tunghayan ang paglagda sa isang memorandum of understanding na layong mabigyan ng proteksyon ang mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.

Read more...