Sinimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang simulated voting para sa 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ngayong umaga.
Ginawa ito sa Rosauro Almario Elementary School sa Tondo, Manila na nagsimula kaninang alas-7:00 hanggang 10:00 ng umaga.
Nasa 100 voters kabilang ang ilang kabataan at mga senior citizens ang nakilahok sa mock polls.
Ang botante na nasa edad 15-17 ay binigyan ng SK ballots habang ang mga mock voters na nasa idad na 18-30 ay binigyan ng dalawang balota para sa SK at para sa Barangay Officials.
Ang mga botante naman na nasa idad na 31 pataas ay binigyan lamang ng barangay ballots. Pagkatapos ng botohan, magsasagawa ng “counting and cavassing” na susundan ng proklamasyon ng nanalong kandidato.
Ang Barangay at SK Elections ay itinakda sa May 14 habang ang campaign period naman ay magsisimula sa May 4 hanggang May 12.