Dating DFA Usec. Baja hinatulang makulong dahil sa katiwalian

Inquirer file photo

Kulong na hanggang 17-taon ang hatol kay dating Department of Foireign Affairs Usec. Lauro Baja kaugnay sa mga kasong graft at malversation of public funds.

Sa 25-pahinang desisyon ng 4th Division ng Sandiganbayan, umaabot sa $17,500 ang sinasabing nilustay ni Bajay noong siya pa ang permanent reporesentative ng Pilipinas sa United Nations noong taong 2006.

Idineposito umano ni Baja sa isang pribadong account ang nasabing halaga ayon sa Sandiganbayan.

Sa paghimay ng anti-graft court sa nasabing kaso ay napatunayan rin nila na mayroong mga illegal reimbursement ang nasabing opisyal.

Bukod sa parusang pagkakakulong ay pinagmumulta rin ng hukuman si Baja.

Sinabi naman ng dating DFA official na magsusumite siya ng motion for reconsideration kaugnay sa nasabing kaso.

Read more...