PNP handang isapubliko ang detalye ng war on drugs kung papayagan ni Duterte

Susunod si PNP Chief Oscar Albayalde sa magiging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte kung isusumite ba nila o hindi sa Supreme Court ang lahat ng records sa mga anti-drugs operations.

Ipinaliwanag ni Albayalde na may pending motion for reconsideration si dating PNP Chief Ronald Dela Rosa hingil sa nasabing isyu.

Maari din umanong isapubliko ng pangulo ang nasabing ulat kahit na walang utos ang SC.

Nauna na ring sinabi ni Solicitor General Jose Calida na malalagay sa alanganing sitwasyon ang national security kapag naisapubliko ang nasabing ulat.

Pumalag naman ang ilang mahistrado ng Supreme Court sa naging pahayag ng Solgen.

Noong isang linggo, sinabi ni Atty. Theodore Ten a siyang tagapagsalita ng SC na kailangang sumunod ng PNP at iba pang ahensiya ng pamahalaan sa utos ng mga mahistrado na bigyan sila ng kopya ng anti-illegal drug operations ng gobyerno.

Sakop nito ang mga petsa mula July 1, 2016 hanggang December, 2017.

Tugon ito ng SC sa mga kasong isinampa ng ilang kaanak ng mga sinasabing biktima ng extra judicial killings na iniuugnay naman sa Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Read more...