Trump hindi dadalo sa libing ni former first lady Barbara Bush

AP Photo

Hindi dadalo si US President Donald Trump sa libing ng yumaong dating first lady Barbara Bush ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ng White House at sinabing ang hindi pagdalo ng president ay upang hindi makapagdulot ng abala sa nakaambang pagdadagdag seguridad at bilang pagrespeto sa pamilya ng mga Bush.

Gayunman sa isang pahayag, sinabi naman ng White House na dadalo sa libing si first lady Melania Trump upang kumatawan sa First Family.

Noong Miyerkules ay inilarawan ni Trump si Mrs. Bush bilang isang ‘wonderful person’, babaeng makabayan at may tunay na pananampalataya.

Nakatakda ring dumalo sa funeral sina dating Pangulong Bill Clinton at Barack Obama.

Kasalukuyang nakaburol ang mga labi ni Mrs. Bush sa St. Martin’s Episcopal Church sa Houston, Texas.

Read more...