Pedestrian crossing sa China, namamasa ng mga jaywalkers

Weibo Photo

Maliligo sa tubig ang sinumang magtatangkang tumawid sa isang pedestrian sa China sakaling hindi pa oras para tumawid.

Ito ay matapos ikabit sa isang pedestrian crossing sa Changzhi, Central China ang water sprayers kung saan layong pigilan ang mga jaywalkers. Sakaling may tumawid habang nakataas pa ang red light o hindi kaya ay masyadong malapit sa kalsada ay awtomatiko nitong babasain ang tao. May taas na hanggang tuhod ang kayang basain ng water sprayers sapat na upang pigilan ang mga nagtatangkang tumawid. Gumagamit ang nasabing sistema ng motion sensors upang masiguro na sumusunod ang mga tao. Ang naturang pedestrian crossing ay may voice prompt din na nagsasabi kung kailan pwedeng tumawid o hindi.

Read more...