Suspek sa massacre sa Nueva Ecija, naaresto sa Tarlac City

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek sa massacre ng isang pamilya sa San Leonardo, Nueva Ecija.

Naaresto ng mga pulis ang suspek na si Jessie Tesoro sa kanyang pinagtataguan sa Tarlac City pasado ala-7:00 kagabi.

Ayon sa Tarlac Police Provincial Office, inamin umano ng suspek ang kanyang nagawa.

Matatandaang pinagtataga ng suspek ang mga biktimang sina Jennifer Caballero at mga kaanak nito na sina Abby Caballero, Joshua Caballero, Sergio Caballero at Sonny Custodio sa kanilang bahay.

Nakaligtas naman sa insidente si Annalyn Caballero na nagpapagaling na sa pagamutan.

Read more...