Operasyon ng bagong ride-hailing service na GoLag limitado muna sa Laguna

Sa Laguna muna ang operasyon ng bagong ride-hailing service na binigyang akreditasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang GoLag ang pinakabagong transport network company na binigyan ng akreditasyon ng LTRB para makapasok sa ride-sharing industry.

Ayon kay Willie Bercasio, operational director ng GoLag sa ngayon, isasailalim muna nila sa pagsasala ang kanilang mga driver bago sila ideploy.

Sa pagtaya ni Bercasio tatagal ng nasa isang buwan ang pagbusisi sa unang batch ng mga driver.

Sa simula ay sa Laguna muna ang kanilang operasyon, pero kung makakakuha sila ng TNVs mula Metro Manila ay handa silang palawigin ang operasyon.

Sa GoLag, gaya ng ibang ride-hailing service, maaring pumili ang pasahero kung kotse, AUV o SUV ang kaniyang nais na sakyan.

Hindi naman available sa serbisyo ng GoLag ang carpooling.

Kamakailan binigyan ng akreditasyon ng LTFRB ang Hype at HirNa. Ang HirNa ay nag-ooperate na sa Davao City at mayroon silang 4,000 taxi sa kanilang pool.

Habang nakabinbin pa ang accreditation isa pang TNC na ‘Owto’.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...