Billy Crawford at Coleen Garcia, ikinasal na

Ikinasal na ang celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia.

Ginanap ang kasal sa exclusive resort na Balesin Island.

Suot ni Coleen ang wedding gown na gawa ng Israeli designer na si Galia Lahav.

Kumanta si Gary Valenciano sa seremonya, at kasama naman sa entourage ang ilang mga kapwa artista na sina Vhong Navarro, Jay-R, Kris Lawrence at Ria Atayde.

Dumalo rin sa kasal sina Dra. Vicki Belo, Tim Yap, mga kasamahan sa ‘It’s Showtime’ na sina Vice Ganda, Amy Perez, Kim Atienza at ang Mega Star Sharon Cuneta.

Nagsimula ang relasyon nina Billy at Coleen noong 2014, at na-engaged sila noong 2016.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...