Ang moderate rating na nakuha ng SC ang pinakamababa nang rating nito sa nakalipas na anim na taon.
Nakapagtala ng pagbaba ng puntos ang SC sa lahat ng lugar sa bansa, 11 points ang ibinaba ng rating sa Metro Manila, 17 points sa Balance Luzon at Visayas, at 21 points sa Mindanao.
Isinagawa ang survey mula March 23 hanggang 27 na kasagasagan ng pagtalakay sa impeachment complaint laban kay
Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno.
Samantala, bumaba din ang satisfaction rating na nakuha ng senado, mula sa +56 noong December 2017 sa +46 na lang ngayong March 2018.
Bumaba din ang nakuhang rating ng House of Representatives na +35 na mas mababa ng 8 points kumpara sa rating nito noong nagdaang survey.