Ang 2x na surge cap ng Grab ay ibinaba ng LTFRB sa 1.5x noong April 11 makaraang huminto sa operasyon ang Uber na naging dahilan para ang Grab na lang ang maging natatanging ride-hailing app na nagagamit ng mga pasahero.
Inaprubahan ng LTFRB ang hirit ng Grab na ibalik sa 2x ang kanilang surge cap ngayong may mga bago nang transport network companies (TNCs) na binigyan ng akreditasyon.
Kabilang dito ang Hype. HirNa at GoLag.
Samantala, matapos suspendihin ng LTFRB ang P2 per minute na charge ng Grab, agad tumalima ang kumpanya.
Alas 12:01 ng madaling araw ng Biyernes hindi na sila nagpatupad ng P2 per minute na singil sa kanilang biyahe.