Ayon kay GSIS President at Gen. Manager Jesus Clint Aranas, mula June 2016 ay hindi nakababayad ng renta ang Sofitel sa ginagamit nitong lupa na pag-aari ng GSIS.
Dalawang lote aniya na pag-aari ng GSIS ang hindi nababayaran ng Sofitel at umabot na sa P80 million ang back rentals nito.
Ang dalawang lote na tinutukoy ng GSIS ay ang Lot 19 at Lot 41 na ayon kay Aranas kung gagamitin nila sa iba o ipapaupa sa iba ay mas malaki pa ang kikitain ng ahensya.
Hindi aniya pwedeng gamitin ng libre ang nasabing mga lote dahil commercial ang operasyon ng Sofitel at kumikita sila.
Ani Aranas, finald demand na nila ito sa Philippine Plaza Holdings at kung mabibigo pa rin silang magbayad ng back rentals ay kailangan na nilang umalis sa lugar.