Hiniling din ng European Parliament sa Pilipinas na palayain na si Sen. Leila de Lima na nakakulong ngayon dahil sa pagkakasangkot sa bilibid drug trade.
Itinuturing ni Presidential Spokesman Harry Roque ang resolusyon ng European Parliament na isa pang kaso ng pakikialam sa internal affairs ng Pilipinas.
Malinaw din aniya itong pag-uungkat sa mga luma at walang basehang mga usapin.
Kaugnay nito, hinamon ni Sec. Roque, European Parliament na maglabas ng ebidensya sa sinasabi nitong 12,000 napatay sa anti-drug war ng duterte administration.
Ipinamukha pa ni Sec. Roque na pinagtibay na ng Korte Suprema ang pag-aresto at pagkulong kay Sen. De Lima dahil sa kasong illegal drugs case.