Ito ay matapos na isiwalat ni Belgica na may apat na miyembro ng gabinete ang pina-iimbestigahan dahil sa katiwalian at nanganganib na matanggal sa puwesto.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakakagulo lang ang inilalabas na pahayag ni Belgica dahil hindi naman ito otorisadong magsalita para kay Pangulong Duterte.
Nanindigan si Roque na ang trabaho lamang ng PACC ay magrekomenda ng mga iimbestigahang opisyal pero pasya na ni Pangulong Duterte kung susundin o hindi ang kanilang rekomendasyon.
Makakabuti aniya na makipag-ugnayan muna si Belgica sa kanyang ahensya kung mayroon itong ilalabas na pahayag para maiwasan ang kalituhan.