Sinabi ni PDEA NCR Director Ismael Fajardo noong Abril 5 dumating ang package at nang idaan ito sa X-ray screening ay natuklasan na naglalaman ito ng organic substance.
Sumailalim ito sa pagsusuri ng drug sniffing dog at nakumpirma na naglalaman ito ng droga.
Agad na nakipag-ugnayan ang PDEA sa cargo forwarding company na nagdala ng package mula sa The Netherlands at nadiskubre na nakapangalan ito sa isang Monica Santos, 20 anyos.
Biyernes ng umaga nang maaresto si Santos sa Barangay Obrero sa Quezon City at dito natuklasan na ang package ay galing sa isang Samson Santos na nasa The Netherlands.
Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Santos.