Malakanyang nagpakita ng pruweba ng pagsali ni Sr. Patricia Fox sa mga rally

Kinontra ng Malakanyang ang pahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na nagsabing hindi umano nagsasalita sa mag rally si Australian nun Sister Patricia Fox.

Sa press brieifing sa Malakanyang, nagpakita ng pruweba si Presidential spokesperson Harry Roque kung saan sa isang larawan makikita si Sister Fox na may hawak na mikropono.

Nangyari umano ito sa rally na inorganisa ng Kilusang Mayo Uno at ng Gabriela party-list sa harapan ng Coca-Cola distribution center sa Ulas, Davao City, noong April 9.

Ayon kay Roque, gawain naman talaga ng Gabriela, KMU at iba pang militanteng grupo ang mag-imbita ng mga personalidad kabilang ang mga pari at madre sa kanilang mga pagkilos at saka pagsasalitain ang mga ito.

Katunayan ani Roque, dati rin siyang naiimbita at napagsasalita sa mga rally.

Ani Roque, hindi sinabi ni Sister Fox sa CBCP ang totoo dahil malinaw sa larawan na siya ay sumama sa rally at nagsalita sa rally.

Sa ngayon sumasailalim pa rin sa imbestigasyon si Fox upang matukoy kung siya ba ay kailangang ipatapon palabas ng bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...