Filing ng COC para sa Brgy. at SK elections, extended hanggang bukas, Apr. 21

Pinalawig ng Commission on Elections ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guazon, extended hanggang alas 5:00 ng hapon bukas, April 21, ang filing COC.

Kaninang alas 5:00 dapat ang deadline sa paghahain ng COC para sa mga nais na kumandido sa Barangay at SK elections sa May 14.

Bago ito, nagtweet si Guazon na mababa ang turnout ng COC filing.

Sa Comelec Arroceros sa Maynila, kakaunti lang din ang mga humabol para sa huling araw ng paghahain ng COC lalo na sa SK elections.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...