Isa pang TNC, binigyan ng akreditasyon ng LTRFB

Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang akreditasyon ng isa pang Transport Network Company.

Nilagdaan nina LTFRB Chairman Martin Delgra III dalawang board member at isang executive director ng ahensya ang certificate of accreditation ng GoLag Inc.

May bisa sa loob ng dalawang taon na magsisimula ngayong araw ang accreditation.

Ang GoLag ang panibagong TNC na inaprubahan ng LTFRB para pasukin ang ride-sharing industry.

Una rito ay binigyan na rin ng akreditasyon ng LTFRB ang dalawa pang TNCs na Hype at HirNa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...