2 hinihinalang illegal recruiter, arestado sa entrapment operation sa Pasay City

CIDG ATCU Photo

Arestado ang dalawang hinihinalang illegal recruiter sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng CIDG-Anti-Transnational Unit sa Pasay City.

Kinilala ang mga suspek na sina Levy Mangino, 46 anyos, residente ng Kalayaan Village, Pasay City at Jeffrey Torres, 29 anyos, residente ng Pagsanjan Laguna.

Dinakip ang dalawa sa aktong tinatanggap ang boodle money mula sa complainant na pinangakuan nila ng non-existing jobs sa Japan.

Batay sa reklamo, nangako ang dalawa na papaalisin siya ng mga suspek papuntang Japan kung saan siya magtatrabaho ilang factory worker.

Sasampahan sila ng reklamong paglabag sa Republic Act 8042 at [aglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...