6 patay sa masaker sa Nueva Ecija

Patay ang anim na miyembro ng isang pamilya habang sugatan ang isa pa sa masaker na naganap sa Nueva Ecija.

Ayon sa San Leonardo Police Station, naganap ang isnidente alas 4:30 ng madaling araw ng Biyernes sa loob ng apartment sa Barangay Tambo Adorable.

Pinagsasaksak umano ng suspek na si Jessie Tesoro ang kaniyang live-in partner na si Jennifer Caballero, gayundin ang mga kaanak nito na sina Abby Caballero, Leonila Caballero, Josua Caballero, Sergio Caballero, at Sonny Custodio.

Nagawang makaligtas ni Annalyn Caballero na ngayon ay ginagamot sa PJG Hospital sa Cabanatuan City.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga otoridad laban kay Tesoro.

Patuloy din ang imbestigasyon sa motibo sa krimen.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...