Transport Network Companies gagawa ng code of ethics

Dahil sa mga reklamo laban sa kanilang mga driver, nangako ang mga Transport Network Companies (TNCs) na bubuo sila ng code of ethics.

Sinabi ni LTFRB Board Member Aileen Lizada ang layon ng code na magkaroon ng gabay ang mga driver sa tamang paghahanapbuhay.

Ito rin aniya ang pagbabasehan ng pagdidisiplina at pagpaparusa sa mga pasaway na driver.

Bukod dito, nagkasundo rin ang mga TNCs na ibahagi nila sa isat isa ang pangalan ng kanilang mga driver na may mga seryosong pagkakamali sa kanilang paghahanapbuhay.

Sa ganitong paraan ay hindi magagawa ng mga driver na lumipat lang ng TNC kapag sila ay sinipa sa isang TNC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...