Mga kumpanyang sangkot sa “labor-only contracting” pinaiimbentaryo ni Pangulong Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Dutertre ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magsagawa ng imbentaryo sa mga kumpanyang sangkot sa “labor-only contracting”.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na 30-araw lang ang ibinigay ni Pangulong Duterte sa DOLE para isumite ang imbentaryo.

Sa memorandum ng pangulo, nais niyang magbigay ng ulat ang ahensya sa pagpapatupad nito ng Department Order numbers 174 at 183 na nagsasaad ng pagbabawal sa mga kumpanya na mag-practice ng labor-only contacting.

Inatasan din ng pangulo ang National Labor Relations Commission o NLRC na makipag-ugnayan sa DOLE at isumite naman ang listahan ng mga nakabinbing kaso sangkot ang mga kumpanya sangkot sa illegal practice.

Sa ilalim ng labor code, ang “labor-only contracting” ay kasunduan kung saan ang contactor o subcontractor ay nagre-recruit o nagsu-suplay ng mga trabahador para kailangang trabaho.

Ang contactor o subcontractor ay walang sapat na capital o puhunan, walang gamit o makinarya at walang right of control sa kung anong performance sa trabaho ng isinuplay niyang trabahador.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...