WATCH: Grupo ng environmentalists lumusob sa DOJ

Kuha ni Jan Escosio

Lumusob sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) ang may 100 miyembro ng ilang militanteng grupo.

Sa pangunguna ng grupong Kalikasan binabatikos nila ang pagsasama sa mga aktibista at pribadong indibiduwal sa terror list ng gobyerno.

Kasama sa listahan ang 37 enviromentalists.

Naghain din ng petisyon ang grupo para bawiin ng DOJ ang terror list.

Binanggit din ng grupo na maraming proyektong imprastraktura ang makaksira ng kalikasan sa Rizal at ilang bahagi ng Mindanao.

Nabatid na sa datos ng international watchdog Global Witness, nananatili ang Pilipinas na ikalawa sa listahan ng mga lugar sa buong mundo na delikado para sa mga enviromental defenders dahil sa pagkakapatay sa 44 sa kanilang hanay noon nakaraang taon.

Read more...