Ayon kay LTFRB board member Aileen Lizada, maaari nang ma-accredit sa higit na isa pang transport network company (TNC) ang mga may generic na prangkisa.
Sa ilalim ng dating polisiya, kinakailangan munang magpa-accredit ng drivers sa TNCs bago mag-apply ng permit sa LTFRB.
Bunsod nito, nilimitahan ng LTFRB ang bilang ng Transport Vehicle Network Service (TNVS) drivers para maiwasan ang pagdami ng mga sasakyan sa kalsada.
Ayon kay Lizada, ginawa ng ahensya ang bagong polisiya para magbigay ng patas na pagkakataon.
Dagdag ni Lizada, hindi papayagang mag-operate ang drivers na blacklisted sa isang TNC.