7 arestado sa ilegal na droga sa Cainta

INQUIRER File Photo

Arestado ang pito katao dahil sa iligal na droga at pagbitbit ng armas sa buy-bust operation sa Cainta, Rizal.

Isinagawa ng pulisya ang operasyon sa Barangay San Andres dakong alas-9:15 kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Joey Borja, Rafael Cabauatan, Randy General, Alfredo Landicho, Pauline Martinez, Analy Salim at Rowel Tecaro.

Nakuha sa kanila ang 17 sachet ng hinihinalang shabu, P500 marked money, isang kalibre .38 na baril at anim na piraso ng live ammunition.

Mahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa election gun ban.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...