European Parliament dapat maglabas ng datos sa sinasabing nilang 12,000 na ang nasawi sa war on drugs – Albayalde

Inquirer Photo | Jhoanna Ballaran

Hinamon ni bagong Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde ang European Parliament na magpakita ng ebidensya sa umano’y 12,000 napatay sa gyera kontra droga.

Sinabi ni Albayalde na hindi niya alam kung saan nanggagaling naturang datos ng European Parliament.

Aniya, mayroong mga nagsasabi na nasa 7,000 ang bilang at ngayon ay nasa 12,000 na.

“Hindi namin alam kung saan nanggaling ang data nila. No less than CHR can’t confirm that there’s EJK. They have to give us a copy kung saan nanggaling ang data na yon,” ani Albayalde.

Iginiit din ng bagong PNP chief na naging transparent ang pulisya sa mga operasyon nito.

Nanawagan ang European Parliament sa Pilipinas na itigil na ang gyera kontra droga kung saan nasa 12,000 na umano ang namatay, kabilang ang mga bata.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...