Ayon sa Phivolcs, mada-download na online ang hazard map upang mas maging madali sa publiko na makita ang mga lugar na mayroong aktibong fault.
Laman din nito ang hazard maps para sa tsunami, volcanic hazards, lahar hazardz, earthquake-induced landslide at iba pa.
Maaring ma-download ang mapa sa gisweb.phivolcs.dost.gov.ph/hazardmap.
Sa sandaling puntahan ang link, lalabas ang mga rehiyon na pagpipiliian ng gustong maka-access at makapag-download ng hazard map.
Ayon sa Phivolcs, malaking bagay ang hazard map para gamiting basehan sa disaster awareness, prevention, mitigation, preparedness at response plans ng lokal na pamahalaan.