Kasabay nito, iginiit ni Brian Cu, ang country head ng Grab, ang sinasabing ilegal na singil ay napupunta sa kanilang mga driver at hindi sa kompaniya.
Sa inilabas nitong pahayag, sinabi ni Cu na maaring maapektuhan ng utos maging ang kanilang mga pasahero.
Paliwanag niya dahil sa tindi ng traffic sa Metro Manila posible na hindi na lang pumasada ang kanilang mga driver bunga ng utos ng LTFRB.
Ngunit sa pagdinig ukol sa isyu sa LTFRB, inamin ni Cu na inilihim nila sa kanilang mga pasahero ang dagdag na singil sa pasahe.
Ang P2-per-minute charge ng Grab ay ibinunyag ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles na nagsabi din na dapat ay ibalik sa mga pasahero ng transport network company ang P1.8 bilyon na sobrang nasingil sa pasahe sa nakalipas na limang buwan.