Mga manggagawa sa Soccsksargen, may dagdag na P18 sa arawang sahod

Inquirer File Photo

Mag-uuwi na ng mas mataas na sahod ang mga manggagawa sa rehiyon ng Soccsksargen.

Ito ay makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na P18 sa minimum wage sa mga manggagawa sa mga sektor ng agrikultura, retail at services.

Mula P272, nasa P290 na ang minimum wage ng mga manggagawa sa Soccsksargen.

Sa non-agricultural sector, dinagdagan nang P16 ang minimum wage na P295. Tatanggap na ng P311 ang minimum wage earners sa rehiyon.

Ayon kay Arturo Valero, regional director ng National Economic and Development Authority – Soccsksargen, maaari namang hilingin ng mga kompanyang hindi kayang ipatupad ang bagong minimum wage na ma-exempt sa kautusan.

Naging mabilis ang pag-apruba ng wage board sa dagdag sahod dahil sang-ayon ang emplyers bunsod ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Magiging epektibo ang dagdag sahod 15 araw matapos ilathala sa mga pahayagan.

Sa ngayon, nire-review pa ng National Wages and Productivity Commission ang dagdag sahod sa Soccsksargen bago ilathala.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...