Huwebes ng gabi oras sa China nang i-post sa website ng nasabing ahensya ang pagtama umano ng dalawang magkasunod na magnitude 6.5 na lindol.
Nakasaad sa abiso na tumama ang lindol sa western region ng Xinjiang at sa southwestern province na Yunnan.
Gayunman, wala naman pala talagang naganap na lindol at sinabing hindi sinasadyang nailabas sa publiko ang impormasyon sa isinagawang earthquake drills.
Tumagal pa ng halos isang oras sa website ang impormasyon bago tuluyang naialis.
Humingi naman ng pasensya ang earthquake administration sa maling paglalagay ng impormasyon sa kanilang website.