Para patunayang hindi mga trolls nanawagan ngayon ang National Youth Commission (NYC) sa mga kabataan na makiisa sa Sangguniang Kabataan elections sa May 14.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang sinabi ni National Youth Commission officer in charge Ronald Cardema na mayroon pang hanggang ngayong araw ang mga kabataan na maghain ng kani-kanilang Certificate of Candidacy (COC).
Ayon kay Cardema 350,000 na posisyon ang available.
Sa huling datos ng Comelec 39,000 na ang naghain ng COC para maging Sangguniang Kabataan chairman at 142,000 naman para sa SK Kagawad.
Sinabi ni Cardema na kailangan ni Pangulong Duterte ng tulong ng mga kabataan para mapalakas pa ang anti-drug war campaign, anti-crime at anti-terrorism.
Panahon na rin anya ito na para patunayan na hindi mga trolls ang mga kabataan na nakikiisa sa mga pagkilos sa politika.