Babae na nakikipag-sex kapalit ng drugs at 2 pa arestado

INQUIRER File Photo

Tatlong suspek kabilang na ang isang babae at isang menor de edad ang inaresto ng Quezon City Police District Station 6 dahil sa droga sa Lupang Pangako, Barangay Payatas, Quezon City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Biboy Montajos, 33 anyos at Vina Ferialde, 28 anyos na aminadong nakikipagtalik kapalit ang droga.

Target ng operasyon si Montajos na nagtangkang pang tumakas sa pamamagitan nang pagtalon sa bubong ng bahay pero napilayan ito dahilan upang masakote ng pulisya.

Sinabi ni Police Chief Inspector Sandie Caparroso, hepe ng Station Drug Enforcement Unit ng Batasan Police na ginagawang drug den at sex ang lugar kung saan naaresto ang mga suspek.

Hindi na rin anya bago ang pakikipag sex ng isang drug user kapalit ng droga.
Ang naarestong menor de edad naman ang nagsisislbing look-out sa lugar.

Narecover mula sa mga suspek ang sampung pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P15,000, buy bust money at mga shabu paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...