Pagtatalaga bilang bagong Comelec Commissioner kay CA Justice Inting malaking tulong sa komisyon

Ikinatuwa ng Commission on Elections ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Court of Appeals Associate Justice Socorro Inting bilang bagong commissioner ng komisyon.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahalagang asset sa poll body ang mahabang karanasan ni Inting sa hudikatura.

Sinabi ni Jimenez na tiyempo rin na naitalaga si Inting sa kasagsagan ng paghahanda nila sa Barangay at SK Elections sa May 14.

Bukod pa anya rito ang papalapit na 2019 midterm elections.

Si Inting ay itinalagang kapalit ng nagretirong si Commissioner Arthur Lim noong Pebrero.

Sa ngayon, may lima ng miyembro ng Comelec Enbac subalit kailangan pa ng dalawa karagdagan para makumpleto ang komposisyon nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...