MWSS, tiniyak na may sapat na suplay ng tubig ngayong tag-init

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na sapat ang suplay na tubig sa Metro Manila at mga karatig-lugar sa kasagsagan ng summer season.

Ito ay matapos ang pagkabahala sa umano’y water shortage matapos ang magkaibang pahayag ng Maynilad at Manila Water tungkol sa alokasyon ng suplay ng tubig.

Ayon kay MWSS administrator Reynaldo V. Velasco, naresolba na ito matapos ang pagpasok ng ahensya sa isyu.

Ikinukonsidera umano ng MWSS ang pagtake-over sa valve na kumokontrol sa paglalabas ng tubig.

Sa ilalim ng concession agreement ay may 60 percent share na water allocation ang Maynilad habang 40 percent naman ang sa Manila Water.

Gayunman, iginiit ni Velasco na bagaman sinabi ng dalawang water concessionaires na naresolba na nila ang isyu ay dapat magbigayan ang dalawa.

Anya sa peak hours ng Manila Water ay dapat magpa-ubaya ang Maynilad at gayundin ang Manila Water sa Maynilad.

Positibo naman ang opisyal ng MWSS na mareresolba ng Maynilad at Manila Water ang pagkakaiba ng mga ito.

Samantala, nagbigay din ng katiyakan sa publiko si National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Dr. Sevillo D. David Jr. na hindi magkukulang ang suplay ng tubig ngayong tag-init.

Read more...