Lalaki na nandukot ng cellphone ng pulis, arestado

INQUIRER File Photo

Inaresto ng kanyang sariling biktima ang isang construction worker makaraang mandukot ng dalawang cellphone sa Marikina City.

Nakilala ang suspek na si Jojo Avellana.

Nabatid na kapwa sakay ng isang pampasaherong dyip ang suspek at ang biktimang si PO3 Rudy Ferrancullo nang maganap ang insidente.

Binabagtas ng dyip ang kahabaan ng Marcos Highway, Barangay San Roque, Marikina City nang mapansin ng pulis na dinudukutan siya ng suspek.

Pinahinto nito ang dyip at doon inaresto ang construction worker.

Nakakulong na sa Marikina Police ang naarestong suspek na todo pagsisi sa kanyang ginawa.

Read more...