Miguel Diaz-Canel bagong pangulo ng Cuba

AP Photo

Matapos ang anim na dekada hindi na apelyidong Castro ang presidente ng Cuba.

Ito ay matapos mahalal si Miguel Diaz-Canel bilang bagong pangulo.

Si Diaz-Canel na pangunahing Communist Party figure na naglingkod bilang first vice president simula taong 2013 ang papalit kay Raul Castro na pumalit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Fidel, ang ama ng 1959 revolution sa Carribean Island.

Sa kanyang unang talumpati bilang presidente sinabi ni Diaz-Canel na pananatilihin niya ang landas ng kanilang bansa tungo sa rebolusyon perto patungo sa economic reform.

Si Diaz-Canel ay nahalal sa landmark vote ng kanilang National Assembly kung saan siya ang nag-iisang kandidato para sa pagka-pangulo.

Siya ang unang lider ng Carribean Island na ipinanganak matapos ang rebolusyon at nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-58 taon sa araw ng Biyernes, oras sa Cuba.

Kaagad namang nagpa-abot ng pagbati ang mga lider ng iba’t-ibang bansa kay Diaz-Canel kung saan kabilang sa mga una ay sina Chinese President Xi Jinping, President Enrique Pena Nieto ng Mexico, at Venezuela’s President Nicolas Maduro.

Read more...