Ayon kay Donaire, bagaman tumatanda na siya ay kasulukuyan pa lamang niyang tinatahak ang daan patungo sa ‘peak’ ng kanyang karera.
Sa isang panayam, sinabi ni Donaire na natatamo niya na ang bantayog ng kanyang pisikal na lakas at kanyang karanasan.
Nasa Belfast, Northern Island ngayon si Donaire para sa kanyang nakatakdang laban kay Carl Frampton.
Bagaman anya napakalamig sa naturang lugar ay naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao maging mismong mga solid fans ni Frampton.
Makalalaban ni Donaire si Frampton na isang two-division World champion para sa interim WBA World Featherweight title sa April 21 sa SSE Arena.
Ang mananalo ay makalalaban ang regular champion na si Oscar Valdez.