Grab kakasuhan ng isang kongresista kapag hindi nag-refund sa mga pasahero

Binalaan ni PBA Rep. Jericho Nograles ang Grab Philippines na sasampahan niya ng kaso kapag hindi pinasan ang refund ng siningil nito dalawang pisong kada minute sa mga pasahero.

Sinabi ni Nograles na mga kasong large scale estafa at syndicated estafa ang maari nitong isampa laban sa Grab.

Paliwanag nito ang grab ang may kontrol sa sistema ng paniningil sa mga pasahero kaya hindi nito maari ipasa sa kanilang mga partner na Transport Network Vehicle Service o TNVS ang pagbabayad ng refund.

Wala anyang kinalaman ang mga TNVS at mga driver sa dagdag na dalawang pisong singil ng Grab.

Nauna rito, ibinunyag ni Nograles na aabot sa P1.8 billion ang sobrang nasingil ng Grab sa ilang buwang operasyon nito.

Kinansela naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang paniningil ng dalawang pisong kada minutong singil ng Grab.

Read more...