Rosales kay Marcos: “wala kang dapat ipagmalaki sa pangalan mo”

itta-rosales
Inquirer file photo

Pinaalalahanan ni dating Commision on Human Rights (CHR) Chairman Etta Rosales si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos na hindi makalilimutan ng sambayan ang panahon ng Martial Law.

Reaksyon ito ni Rosales sa pahayag ni Marcos na proud siya sa kanyang apelyido ganun na rin sa legacy na iniwan para sa bansa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ipinaliwanag ni Rosales na dahil sa Martial Law ay sampung batas ang naipasa sa Kongreso para bigyan ng karapatan ang mga ordinaryong mamamayan at palakasin ang Human Rights Law sa bansa.

Sinabi pa ni Rosales na hindi naramdaman ng batang Marcos ang hirap ng buhay at takot sa isip ng sambayan noong panahon ng Batas Militar na maituturing na Dark Age sa ating kasaysayan.

Hinamon din ng dating CHR Chair ang mambabatas na isa-publiko ang kanyang plataporma dahil malinaw naman daw na gusto lamang niyang linisin ang kanilang apelyedo para makabawi ang kanilang pamilya.

Read more...