Droga at internal cleansing prayoridad ni Albayalde sa Camp Crame

Inquirer file photo

Sa kanyang pag-upo bilang ika-22 hepe ng Philippine National Police, mas palalakasin pa ni Director General Oscar Albayalde ang internal cleansing sa kanilang hanay at ipagpapatuloy ang war on drugs.

Sa change of command ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na gusto niya ng konkretong pagbabago at mas maibalik ang tiwala  ng publiko sa PNP.

Ayon kay Albayalde, wala naman umano siyang malaking pagbabago na ipatutupad pero iginiit nya na mas magiging mahigpit sya sa pagpaptupad ng batas dahil nais nya ang pagkakapantaypantay at walang nakakalamang.

Pagdating naman sa pagtatalaga ng mga bagong tauhan sa PNP, sinabi ni Albayalde na performance ang magiging basehan.

Hindi kasi kagaya ng pinalitan niyang si Director General Ronald Dela Rosa, hindi siya kailanman na-assign sa Davao kaya ang pagkakatalaga sa kanya bilang hepe ng PNP ang patunay umano na kapag ginawa mo ang trabaho mo ay masusuklian ito.

Nabatid na unang sinabi ni Bato na ang internal cleansing at war on drugs ang kanyang magiging pamana.

Si Albayalde ay Mistah ni Dela Rosa sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986.

Pagka-graduate sa PMA, naging myembro siya ng Special Action Force.

 

Nanungkulan din siya bilang provincial director ng Pampanga at naging hepe ng Directorate for Plans nang maging heneral bago napunta sa NCRPO.

Read more...